? ??????????????Loving Embrace? ????? ?? ???Rating: 5.0 (2 Ratings)??6 Grabs Today. 3153 Total Grabs. ????
??Preview?? | ??Get the Code?? ?? ?????Spacey Love? ????? ?? ???Rating: 4.6 (8 Ratings)??6 Grabs Today. 10676 Total Grabs. ??????Preview?? | ??Get the Code?? ?? ???????????? ????Easy BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS ?

Love takes time...

GOD know's what's best for us..
GOD know's who is the real person to be loved,,
GOD know's where to stop and to continue loving..
GOD has it's reason for giving us a person to love..
GOD gave us happiness when he brought us a person to love..
GOD gave us pain when he get back the person we love..

EVERYTHING HAS A REASON...

GOD know's everything..

and GOD is the only one that will give a pure love for us...

If this isn't love...

Emote pics..

4/29/2008

When I hear It again...

At the cross..

Oh Lord You've searched me
You know my way
Even when I fail You
I know You love me

Your holy presence
Surrounding me
In every season
I know You love me
I know You love me

At the cross I bow my knee
Where Your blood was shed for me
There's no greater love than this
You have overcome the grave
Glory fills the highest place
What can separate me now

You go before me
You shield my way
Your hand upholds me
I know You love me

At the cross I bow my knee
Where Your blood was shed for me
There's no greater love than this
You have overcome the grave
Glory fills the highest place
What can separate me now?(x2)

You tore the veil
You made a way
When You said that it is done(x2)

And when the earth fades
Falls from my eyes
And You stand before me
I know You love me
Oh.. I know You love me

At the cross I bow my knee
Where your blood was shed for me
There's no greater love than this
You have overcome the grave
Glory fills the highest place
What can separate me now?(x2)

You tore the veil
You made a way
When You said that it is done(x4)

..................................................................................................................................

I hear this song for the second time...Sobrang astig lang mag work ni GOD hindi lang sa mundo ng campus base o comm. base mas malupit pala sa SIGA..

Dito ko naramdaman talaga ung pagmamahal nila sa mga magulang ng bawat isa sa kanila habang nasa worship workshop kami (TATAY LIVY,KC n' STEVEN) ng SIGA pinagmamasdan ko kung pano sila magrereact sa mga sinasabi ni KUYA UBE ang astig talaga mararamdaman mo sa kanila yung mga bigat na nasa loob nila..

Akala ko kapag may problema akong hindi ko kayang malusutan ako ng yung taong pinaka malas pero maswerte pa nga ako sa buhay eh kesa sa iba. Narealize ko to ng nakasama ko ang mga SIGA child makikita mo na ang saya nila makitungo pero makikita mo rin sa mata nila na may problema sila pero balewala un sa kanila kasi alam nila nanjan si GOD para sa kanila..

Astig talaga ng SONG na to super nakakakarelieve and touching,,

Thanks kay TATAY LIVY na nagdala samin sa SIGA site at sa worship workshop ng SIGA astig..

JESUS ROCKZ...

4/14/2008

My new world...

Anong oras na at gising pa ako..?(2:45 am/04:14:08)


Bigla lang kasing may pumasok sa isipan ko na ilagay dito sa blog ko..

Kanina pa kasi ako nagiisip kung ano bang magandang ilagay at ipost dito..


Habang may binabasa akong isang blog *secret kung sino man siya* may biglang pumasok sa isip ko na magsulat tungkol sa mga nangyayari sa akin ngaun.


Ano nga bang mga bagay bagay ang kakaibang nangyayari sa akin ngayon?


Naisip ko lang na napakaswerte ko kasi simula noong naging isa ako sa pamilya YFC (Youth For Christ) naramdaman ko na sobrang daming taong nagaaalala sa akin na noon palang ay hinahanap ko na.


Noon palang ay hinahanap ko na ang pagmamahal ng mga taong ituturing ako na isang pamilya at ngayon masasabi kong nakita at naramdaman ko yun sa YFC. Hindi ko maitatago na sa tuwing kasama ko sila iba yung saya at pagmamahal na nakikita at nararamdaman ko.


Dito ko rin unang naranasan na umiyak *oo iyakin ako pero iba to* ng dahil sa saya, sa tuwing makikita ko sila na nakangiti sa harapan ko nasasabi ko sa sarili ko ang swerte ko kasi may mga taong nandito sa harap ko, nakangiti at pinaparamdam na mahalaga ako sa kanila.


Noong una kong mga araw sa pagiging YFC hindi ko pa alam kung pano makisaya sa kanila dahil medjo nahihiya pa ako makihalubilo sa kanila pero hindi nagtagal naramdaman at nasabi ko sa sarili ko bakit kelangan kong mahiya kung sa palagay ko naman itinuturing nila akong kapamilya.


Ang dami kong naranasan sa YFC na hindi ko pa naranasan noon sa buong buhay ko. Ako kasi ang taong nasa bahay lang, nakakulong sa kwarto, nanunuod, nagtetext, lumalabas lang kasama ang pamilya o di kaya pag pupunta sa eskwelahan. Late man ako umuwi noong nasa hayskul palang ako pero wala akong ibang pinupuntahan kundi ang lugar malapit sa eskwelahan namin o di kaya ay bahay ng mga kaibigan pero kadalasan ay uwi agad pag katapos ng klase ko *hindi ako mabait na bata haha*. Kaya masasabi ko na simula nung naging YFC ako ang daming bagay ang nagawa ko na akala ko ay hindi ko kaya katulad nalang ng makikipag usap ka sa mga taong hindi mo kilala at itatanong mo kung sino at gano sila kalapit kay GOD *oo nagawa ko un dahil sa YFC*. Ang sarap ng feeling na ipinapakilala mo sa iba kung sino si KRISTO at ano ang mga nagawa niya at kaya niyang gawin para sayo. Dito ko rin naranasan na mapalayo sa pamilya ko ng dalawang araw at dalawang gabi dahil hindi ako pinapayagan na mag overnight kung saan saan at ang kanilang rason ay isa daw akong babae *hay babae nga naman ang daming bawal* pero naiintindihan ko sila kaya hindi ako sumusuway sa gusto nila * inuulit ko hindi po ako mabait na bata*.

Bukod sa nakilala ko ang pamilya YFC ang daming nilang naituro at naiparealize sakin. Dito ko rin unti unting nakilala kung sino ba talaga ako at anong purpose ko dito sa mundo ng YFC. Sobrang dami kong nalaman sa sarili ko at unti unti kong naalis ang pagiging iyakin ko sa mga simpleng bagay. Ako kasi ang taong sobrang iyakin na parang pag inagawan mo ng candy ay iiyak na *ooppss nangyari un huhu umiyak talga ako dahil nasira ung heart na candy na binili ko* ganun ako kaiyakin pero ng dahil sa YFC nabago ko lahat yun. Ang daming bagay ang itinuro nila sakin isa na dito ang "magmahal lang ng magmahal kahit nasasaktan" dahil si KRISTO kahit nasasaktan minamahal at pinapatawad padin niya tayo. Yan ang unang bagay kong natutunan sa YFC pero higit pa diyan ang mga naituro ng YFC sakin.



Sa YFC naramdaman ko din ang halaga ko, lalo na nung nag karon kami ng botohan at isa ako sa naboto bilang DOCU, hindi ko inisip na magiging EXECOM ako dahil isa palang akong baguhan sa YFC at hindi pa ganun kalawak ang kaalaman ko about sa pagiging YFC. Nung sinabi nga na magbobotohan ng mga bagong EXECOM naisip ko kung ano ba yun at anong ginagawa dun hanggang sa nagkaron ng talk tugkol dun at doon ko nalaman kung anong ibig sabihin nun.



Dito rin sa YFC naranasan ko ulit sumayaw sa ibabaw ng stage kaharap ang madaming tao. Matagal ko ng hindi nararanasan ang sumayaw simula nuong tumungtong ako sa kolehiyo huling sayaw ko ay noong 1st yr. 1st sem palang ako sa kolehiyo pero ngayon ay mag 3rd yr. na ako *dapat pero nagshift ako kya 2nd n' 3rd yr. ako* at taon na din yung nakalipas nung huli akong sumayaw sa maraming nanunuod hindi man ganun kadami pero nasa 300 nadin na estudyante un,un ung huling beses akong sumayaw. Pero ng dahil sa YFC nakasayaw ulit ako hindi ko alam pero nung may naghahanap ng sasayaw para sa YEAREND party ng YFC nagtxt agad ako na gusto ko kahit nahihiya ako. Nagpraktice lang ako ng isang araw dahil kinabukasan na yung sayaw pero nagawa ko padin siya dahil alam ko sasayaw ako para sa GOD ko.



Pangalawang sayaw ko sa YFC ay nung 15th ILC na ginanap noong APRIL 4-6. Noong una may nag GM (Group Message) sa akin na naghahanap daw ng mga gustong sumayaw for ILC nagtxt agad ako sa finorward na number at kinabukasan nalaman ko din na hindi lang ako sa PIYU ang sasayaw pati si PAKNER at DADI MJ. Ang akala pa nga naming sayaw ay simple lang parang yung ginawa ko lang noong YEAREND pero hindi pala yun basta basta. Konti palang kami nung 1st training at ang sabi sa amin ay kelangan ng 35-40 dancers dahil malaki ang stage at may costume pa. Nagulat ako dahil hindi pala ito katulad ng inaasahan ko pero natuwa din ako na napabilang ako dito sasayaw ka sa harap ng sampung libo mahigit na katao. Sabi sa amin ang kelangan namin na oras ay tatlong buwan para maayos at maging maganda ang sayaw namin dahil hindi lang isa ang isasayaw namin kundi dalawang gabi kaming sasayaw na magkaiba ang steps at tugtug ngunit kulang na kami sa oras. Akala naming lahat ay hindi namin magagawa ng maayos ang sayaw at hindi namin matatapos pero dahil alam namin na ginagawa namin iyon para kay GOD nagtiwala kami sa mga sarili namin at sa bawat isa na kaya namin yun. Sa tatlong linggo na yun nagawa namin na magsayaw ng maayos kahit may mga konting sablay kami at may nabuo din sa amin na sobrang astig na samahan na kahit sino hindi kayang pantayan dahil sa bawat araw na pag punta namin sa dance house o sa BRB man yan may mga kulitan,bonding, tawanan, asaran na nagaganap kapag water break at yung mga simpleng bagay na yun ang nagkumpleto sa mga araw ng bawat isa sa amin. Kasama din namin sa mga araw ng training namin ang BDC (Believe Dance Company) at sila ang mga naging inspirasyon ng bawat isa sa amin. Pagkatapos ng ILC na naganap nabuo namin ang pangalan na PDC (Production Dance Company) isa sa mga nagpapatunay na iba na ang samahan naming lahat hindi lang basta basta sayaw ang nagawa namin pati ang kakaibang bonding at samahan. Minahal namin ang isat isa sa amin. Pero kung hindi ako naging isa sa pamilya ng YFC hindi ko makikilala ang mga tao sa likod ng PDC at hindi ko mararanasan ang ganitong kasayang buhay.



Marami man akong pinagdadaanang problema sa pagdaan ng mga araw pero alam ko swerte parin ako kesa sa iba na halos ikamatay nila ang problema nila. Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung mga bagay bagay na ginagawa ko dati *sabi ko sa inyo hindi ako good girl eh* sobrang daming bagay ang ginawa ko at halos nag rebelde na ko madami akong kalokohan na ginawa noong nasa hayskul palang ako at dahil yun sa patong patong na problema ko pero ng dahil sa YFC ang dami kong nabago at natutunan. Ang daming nabago, nawala at dumating sa buhay ko simula noong nakilala ko ang YFC.



Isa narin na dumating sa buhay ko ang isa sa mga taong nagpapasaya ng araw ko ang GG (God's Gift or BF) ko na si STEVENSON BESORIO. Hindi ko akalain na makalipas ang isang taon at dahil takot na muli ako magmahal dahil sa ilang beses na kong nasaktan may makikilala pa ulit ako at magmamahal ulit ng isang tao *natigil ako magsulat 4:30am at ngaun 4:30pm/4:14:08 itutuloy ko na ang panibagong post ko*. Nakilala ko ang taong to ng dahil din sa YFC pero hindi galing sa PIYU main galing siya sa PIYU EAC. Meron din kasi akong kilalang mga YFC sa EAC at bagong sali palang sila sa YFC *heroe's baby* ng makilala ko sila, lima silang nagcamp and nagiisa lang siyang lalaki. Nuong una hindi ko siya pinapansin at ayun hanggang sa may nag reto saming dalawa at sabi para daw may ka date ako for valentines day. Hindi ko naman sineryoso yun pero hindi ko akalain na totoo pala yung sinabi nung taong nag reto samin. Bago pa sumapit ang araw ng mga PUSO palagi na kaming mag katext pero hindi kami ganun sa personal dahil nagkakahiyaan pa, parang hindi kami magkakilala pag nagkikita kami or isang simpleng ngiti lang ang ginagawa namin para sabihing HI. Pero pag katapos ng araw ng mga PUSO unti unti na kaming naging malapit sa isat-isa at lalo namin kinilala ang ugali ng bawat isa. Madami din kaming bagay na pinagkakasunduan na hindi namin inakala na magkakasundo kami. Habang tumatagal lalong nagiging malapit kami sa isat-isa at walang araw na hindi kami mag katext. March 3, 2008 pumunta siya sa bahay namin at dun sinabi kong mahal ko na din siya ng hindi ko alam kung pano at kelan nag umpisa pero we decided na hindi muna gawing official na kami until makapag paalam siya sa mga LEADERS ko dahil nga pareho kaming YFC at gusto ko galangin niya kung saan ako nag mulang pamilya sa YFC hindi man niya nagawa yun sa lahat pero nakakatuwa na sinubukan niya at sa ilang leaders ay nakausap niya. Sobrang galing lang kasi napatunayan na kaya yang gawin kung ano yung dapat. Para sakin ang GG ko ang bonus ni GOD for me and kung marami pang bagay ang darating sa buhay ko at marami pa kong makikilala masasabi ko na hindi lang ako swerte kundi ubod ng swerte dahil unti unti niyang ibinibigay lahat ng hinahanap ko dati pa.


Pagmamahal ng isang tunay na pamilya naramdaman ko simula ng naging isa akong YFC at alam ko at gagawin ko ang lahat para maging daan ako ng pamilya ko sa magandang pag sasamahan. Mahirap dahil hindi ako yung taong open sa lahat ng bagay sa pamilya ko pero alam ko kasama ko ang DIYOS ko para lutasin lahat at gawan lahat ng paraan upang maayos kung ano man ang kadalasang hindi pinagkakasunduan ng pamilya ko.


Sobrang daming kakaibang bagay ang nangyari sa akin simula ng naging isa ako sa YFC. Madami silang itinuro, ipinarealize, at ipinaramdam din nila sakin kung gano ako kahalaga dito sa mundo. Maraming beses ko ng ginawa ang hindi magagandang bagay sa sarili ko dahil na rin sa mga bagay bagay na hindi ko maintindihan nuon at ang akala ko sa sarili ko nuon ay napaka walng kwenta ko at hindi ako makapaghintay sa mga sagot sa mga tanong ko dati. Ngayon unti unti ng lumawak ang kaisipan ko at madami ng nagbago sa buhay ko dahil narin sa pagmamahal na ipinaramdam ng mga tao sa loob ng YFC.


REALIZATION:


May mga bagay at problema padin akong dinadala ngaun pero kahit madami pa ito at ng laki nasasabi ko nalang sa sarili ko hindi ko dapat dibdibin at una ko dapat gawin ay magdasal lang ng magdasal at sabihin sa GOD ko na salamat sa mga problema na pinagdadaanan ko dahil dito natututo akong maging malakas at tumayo sa sarili kong mga paa. Lahat naman ng bagay na ibinibigay at kinukuha niya may kapalit minsan hindi man natin nagugustuhan pero sa mga bagay na yun may mga paliwanag at kelangan lang nating maghintay sa takdang panahon o oras. Hindi naman lahat ng bagay na gusto natin ay agad nating makukuha. Matuto lang tayong magtiis at maghintay dahil lahat ng sagot sa mga tanong at mga paliwanag na gusto natin marining ay darating at darating kung maghihintay lang tayo.


(done 5:20pm/4:14:08)

3/28/2008

ANG SAKIT PALA!!!


Ang sakit pala at ang lungkot pala ng bahay namin kapag wala na ang mga pinsan ko..

Akala ko nung dumating ang kanilang ina at sinabi na kukunin na sila ok lang sakin at walang sakit na mararamdaman kasi mawawalan na ko ng parating pinagsasabihan at siyempre minsan na inaaway pero mali pala yun ngaun ko lang naramdaman ang sakit pala talaga na malayo sa mga taong napalapit na sayo ng sobra at kasama mo sa araw-araw..

Simula pag gising mo sa umaga sila yung magsasabing "GOODMORNING ATE" at sila rin yung kakulitan moh sa buong araw at sila padin yung huling magsasabi sayo ng "GOODNIGHT ATE".

Akala koh na pag wala na sila medjo mababawasan ang pag kagulo ng bahay namin dahil nga sa mga bata sila ayun siyempre may time na nakakainis dahil makukulit at pasaway sila kaya yun ang inakala ko na medjo mababawasan ang pagkagulo ng bahay pero ngaun naisip ko sana hindi nalang sila umalis kasi mas masaya ang bahay na to at mas maingay kahit makukulit sila.
Ang sakit pala na wala na yong mga taong nakasama mo sa araw araw, kakulitan, kaasaran, kakilitian at kasabay sa hapag kainan. Naalala ko unang dating palang ng pinsan ko na si KRISTINA galing amerika nagkasakit agad siya na sobrang taas ng lagnat at ako ang naging tagapag alaga niya kahit nandito pa mama niya, sakin siya tumabi sa pag tulog na ako ay hindi makatulog dahil sobrang nagaalala ko sa kanya dahil sa taas ng lagnat, ako din ang nag papaligo sa kanya dahil kasalukuyan palang siyang tatlong taon nun at ngaun na umalis na sila malapit na siyang mag pitong taon. Para ko na kasi silang nakababatang kapatid. Naalala ko din nung unang tumira sila ditong dalawa sobrang nagulat ako dahil madadagdagan kami dito sa bahay at halos ayaw ko pa nga dahil magiging magulo ang bahay namin dahil dalawang bata ang titira sa amin. Pero ngaun ito na tatlong taon mahigit silang nakatira samin ngaun wala na sila ang sakit pala..

Parang kahapon lang kakarating lang nila dito at halos ayaw pa nilang makipag usap samin, at parang kelan lang ang liit pa nila at hindi pa sila ganung nakakaintindi ng mga pinaguusapan at si KRISTINA halos hindi pa marunong mag salita ng tagalog pero ngaun nakakintindi na sila pareho. Si MIGUEL naging honor student nung grade one siya at ako pa ang naging tutor niya sa mga assignments niya pero ngaun ayun grade three na siya bago siya umalis ang sakit lang na yung inalagaan mo at tinuruan mo ng matagal na panahon biglaan nalang mawawala ang sakit sa pakiramdam na parang may tinusok sa puso mong espada grabe pala yung sakit na mararamdaman mo.

Kaninang umaga hindi ko alam kung sasama ako sa pagahatid sa kanila sa airport pero sabi ko sa sarili ko sige ito na ung huling beses na makakasama ko sila eh limang taon pa hihintayin ko bago ulit sila bumalik at makita ko ulit sila, tanong ko lang sa sarili ko makilala pa kaya nila kami?ako?sana nga. Si MIGUEL halos hindi na nakatulog sa pag ka excite pero si KRISTINA ayaw na niyang bumangon dahil parang alam na niya ang mangyayari na babalik na siya sa amerika.

Habang nasa sasakyan at papuntang airport tahimik lang si KRISTINA dahil ayaw niya talagang umuwi sa amerika samantalang si MIGUEL sobrang excited na dahil ngaun lang siya makakapunta dun. Hindi sinabi kay KRISTINA na uuwi na sila dahil nga ayaw niya talagang sumama. Nakababa na kami sa airport nakaramdam na si KRISTINA na uuwi na sila at panay ang pabuhat niya sakin. "ATE BUHAT ME" yan ung words na sinasabi niya sakin at halos ayaw na niyang bumaba sakin kahit sobrang pagod na ko ayaw padin niya bumaba sakin hanggang sa pinaupo ko muna siya sandali at nakita ko na tulala siya nilapitan ko at biglang yakap agad siya sakin at sabay sabi ulit na "ATE BUHAT ME" binuhat ko ulit siya at maya maya lang napagod na ulit ako dahil sa sobrang bigat niya at pagkababa ko sa kaniya dumatin na yung mama niya at kelangan na nilang pumasok dahil 7am na at ang flyt nila ay 8am bago sila umalis hindi na ko pinansin ni KRISTINA dahil binigay ko na siya sa mama niya pero bago ko siya ibaba sa pagkakabuhat ko sa kaniya namumula na yung mata niya na parang maguumpisa ng umiyak. Pagkakuha ng mama niya sa kanya yumakap siya kay MOMMY at umiyak at sobrang naiyak at nasaktan din ako dahil sa nakita ko siyang umiyak at ayaw ng bumitiw kay MOMMY sobrang sakit pala na ganun yung makikita mo sa airport.

After how many years na nakasama mo sila sa araw araw na buhay mo bigla nalang silang mawawala. Ang lungkot pala ng bahay pag ganito ang makikita mo pag dumating ka walang batang sasalubong sayo at magsasabing "ATE ANONG PASALUBONG MOH SAKIN?" kakamiss din pala yung mga ganung bagay.

Kaylangan ko ng masanay sa ganitong bahay tahimik, walang bata, walang makulit, walang manghihingi ng pasalubong sayo. Kaylangan ko ng tanggapin ang mga bagay na wala na samin ngaun.

MY REALIZATION:

Lahat ng bagay at tao sa mundo mo ngaun ay aalis, mahalin mo at pahalagahan mo lahat ng tao na kasama mo ngaun at sa lahat ng bagay hindi ka pwedeng hindi masaktan kaya tanggapin mo lang kung ano man ang nagyayari sayo lahat naman yan ay may kapalit na magandang magyayari.

3/19/2008

We Want the World to know/Rock On CAMP (YFC-FEU and PUP)..


MARCH 15-17, 2008..
Glory of the Garden Antipolo..


Grabe astig ng CAMP namin astig ng binigay ni GOD akalain mo na hindi lang ang YFC-FEU ang nagcamp sa GLORY kasama nadin ang YFC-PUP..

Nung una akala namin na hindi magiging madami ung participant namin pero nagulat kami 28 ang participant ng FEU at nabalitaan pa namin na kasma namin ang PUP na magcacamp ang astig lang kasi hindi namin akalain na makaksma at makakabonding namin ang PUP..

Ang saya ng naging camp namin bukod sa madami kaming naging participant ang daming bagay ang itinuro samin at ipinarealize samin ni GOD...

1st night palang sobrang astig ng talk 1 na ang speaker ay si DIANA(YFC-FEU) pero bago mag talk may play pa kaming ginwa ginaya namin ung play sa tugtog na EVERYTHING astig kahit on the spot kami nagplay nagawa nmn un ng maauz at hindi kami nahiya sa mga naging role namin at kahit na medjo nagmadali sa talk dahil pagod na lahat ng participant at gutom na still nandun parin ung eagerness ng mga bagong participant na makinig ng talk at may matutunan. After ng lahat ng activities lights off na siyempre at nagkarong ng meeting ang mga service team magkasma ang PIYU at PIYUPI at dun nagkasundo lahat about sa mga gagawing activities..


2nd day ang talk 2 na ang speaker ay si kuya ALVIN (YFC-PUP) astig din kasi buhay na buhay ang mga taong nakikinig sa talk niya at after ng talk niya nagkaron kami ng activities prepared by YFC-PUP un ung team building na kahit hindi magkakakilala ung magkkagrupo ang galing lang kasi nagawa nmn lahat ng maauz at maganda wew..


2nd day afternoon talk 3 na ang speaker ay si kuya JM (YFC-FEU) grabe galing ng talk niya kasi may reflection siyang ginwa na alam kong lahat ng BABIES ay natouch at nakapag reflect. Hindi koh man siya narinig mag talk dahil nagin prayer warrior akoh dat time okhei lang kasi alam koh astig din ung talk niya dahil ang daming nagsasabi na natouch sila sa bawat talk na napakinggan nila. After ng talk siesta time na at siyempre one to one's session na awoo astig kasi apat ung hinwakan koh at ung dalawa kong hawak ay late na dumating pero nahabol padin sarap ng feeling..

"FACI nnmn akoh ang astig lang kasi fullfilment ung naramdaman koh nun,second time koh palang magFACI pero grabe ang sarap ng feeling kesa nung first time kasi kabado pa koh nun at ngaun apat pa ang hinawakan koh wew astig tlga ni GOD kasi ginbayan niya koh habang nagFAFACI akoh at hindi niya koh iniwan nung time na un sobrang galing lang talga niya."

At night before magstart ang talk 4 nagkaron kami ng TOUNGES WORKSHOP na pinanghawakan ni KUYA ALEX (YFC-NRMF) astig lang kasi galing din niya magpareflect grabe ang astig niya maging leader sapul talga ung pagmamahal ni KRISTO sa puso moh,...


2nd night na wew talk 4 na ang mabigat at ang magdadala ng napaka astig na talk ay si TATAY GEH(YFC-FEU) ang nagiisa kong tatay wew habang nagtatalk siya aun nagumpisa na kong kabahan pero unti unting nawawala un nung naguumpisa ng magpareflect si TATAY grabe ang astig nung talk sobra kasi habang nagppray over na kami lahat ng hawak koh at ni ly umiyak astig sobrang alam koh na natamaan sila sa talk kaya ganun at siyempre alam koh dahil kay GOD hinwakan niya at pinuno niya ng pagmamahal ung WWW/Rock ON babies kya maganda at fullfilment ung kinalabasan..

3rd day wew huhu last day na uwian na tsk tsk sana hindi na matapos ung day nun pero wala eh lahat may katapusan huhu pero alam namin magsasama pa kaming lahat. Talk 5 na ang speaker ay si ATE KAREN (YFC-FEU) hindi koh na narinig ung talk niya kasi nakatulog akoh woopss ala poh kasing tulog simula nung 1st night kya bumawi kahit sandali lang ng tulog dahil after ng camp derecho na kami sa training ng ILC dance prod. wew. After ng lahat ng talk ayun nagkaron kami ng activities bawi time for TIMEOUT babies ang game ay FOLLOW THE MASTER's VOICE wew ano un secret haha!!Sa mga nakakalam ahoo sshhh quiet lang ha?..Aun ang saya kahit ala akong boses ang galing lang kasi kaya koh pa magsalita haha...

After ng lahat laht ng talk nagkaron ng munting surprise para sa mga gagraduate at aalis ng FEU sila DADI NICK, NANAY KOOKOO, ATE GAYE, KUYA RENIER, ATE HERS AT KUYA LEVEN.. After ng surprise huhu iyakan kami 2 d max kakalungkot kasi eh huhu pero alam namin kahit aalis na sila nanjan padin sila para gabayan at mahalain kami siyempre pati kami mahal namin silang lahat sobra at hindi namin sila makakalimutan.

Laht ng yan ung nangyari sa WWW/Rock On CAMP ng YFC FEU/PUP ang super sa astig at fullfilment na camp madami pang hindi koh na isulat at nailagay dito pero kung nandun ka masasbi moh at mraramdaman moh tlga ang sobrang pagmamahal ni KRISTO sa bawat makakasama at makakausap moh na tao sa 2days at 2 nights na un...

3/14/2008

Election...

It was March 12,2008 when we held our election for the new EXECOM and EVP of the YFC-FEU..

First Monday night (March 10,2008) someone text us and said that in Wednesday (March 12,2008) 3-5pm at campus min hall we will be having our election we are all expecting to come if we are not busy.

But Tuesday night (March 11, 2008) again someone text us and said that only the Core, Execom's and the officers are the required to attend in that election and the rest will be inform if they are also required for some reason's that I don't even know. In that day after that person text us I never expect that I can be a part of that election. After a few hours I received a text message from my TATAY GEH and he said that I am one of those who will be needing and who will be part of the election. In my case because I am a newly born YFC-FEU I was so shocked because I don't even know what are those position that will be needing in YFC-FEU, I know what they call it but the true meaning of that position is the things I don't know. After that i feel so happy because even I am only new in YFC I can still be part of YFC-FEU election.

Wednesday afternoon (March 12,2008) 2pm when I arrived in FEU the first person I saw was Kuya LEVEN, I ask him if he has a class and then he said none and I ask him where she will go he said that in the office of our Mami Emma I ask him again if I can come he said yes. After we went to the office of our Mami Emma we go straight to CM hall the place where will be having the election in that day. We are the first person who came in, not only who came in we are also the person's who ask to the lady Guard that is taking care of that place if she can open the CM hall and the lady GUARD knows it if we said that we are from YFC. After we came in both (Kuya LEVEN and ME) I decided to go out of CM hall and go to freedom park where my TATAY GEH stay with ATE WIL. After a few minutes we both came in, at the CM hall and wait for the speaker and for the other's to arrive that are also invited in the election.

March 12, 2008 pass 4pm when we start to listen in the speaker (Kuya Ace of YFC-UE). In his talk he explains all the position and all the things that EXECOM and EVP should do and follow. After his talk he lead us in to a prayer for us to vote in GOD's plan and he said that we need to continue praying while writing the names of the people we want to be in that position. While praying and before writing the names in the paper I have I went to CHAPEL of course by myself and there I pray hard and ask GOD who he wants me to vote for EXECOM's and for EVP. After few minutes of praying and voting Dadi Gino, Nanay KooKoo and Kuya Ace was the person's who count the vote's. After they know the results all the leaders went out to pray I think and talk for a while. 6pm pass when they came in again and bring all the results for the new EXECOM's and EVP. Dadi Gino was the one who will be announcing the new people who was elected in such positions.

When Dadi Gino start to announce I feel excited for those people who will be elected and who will be our next leaders. First dadi Gino announce the SPECIAL PROJECT position when he tries to look for them they are both not present MYRTLE went home and JUSTIN fix his Statistic subject. Still we know in their presence that they will be a good leaders. Second that dadi Gino announced was the DOCU position he said "ung name nila magkasunod sa alphabet" and finally he announced tha name NESTY and MIMI. "Wew it was me I was shocked I got a position and I will be having a real partner in EXECOM wew". Third he announced was the EVANGE position and the person's get that particular position was RANIEL and ATE KAREN. Fourth was the SOC. POL position KUYA JM and ATE WIL. Second to the last he announced was the MARKETING and FINANCE and the last was the EVP of course but it take a few minutes before DADI Gino announced it he get a trophy for some commercial and most exciting moment because the EVP will be the next president of the YFC-FEU. Finally he announced the MARKETING AND FINANCE is ATE KHAYE and KUYA JV the EVP is DADI MJ.

This was the story behind the election that we held last wednesday (MARCH 12, 2008) I wasn't expecting that I could get a position as one of the EXECOM of YFC-FEU. I know it is GOD"s plan and I will do my very best to be a good EXECOM of course with my PARTNER kuya NESTY.

THE NEW EXECOM and EVP of YFC-FEU...


EVP:

* Dadi Mj

SOC. POL. :

*VP- Kuya JM

*AVP- Ate Wil

MARKETING and FINANCE:

*VP- Kuya Jv

*AVP- Ate Khaye

EVANGE:

*VP- Raniel

*AVP- Ate Karen

DOCU:

*VP- Kuya Nesty

*AVP- Me,Myself and I: MIMI

SPECIAL PROJECT:

*VP- Justin

*AVP- Myrtle



CONGRATS 2 ALL OF US NEW EXECOM AND EVP ALL 4 GOD...
GOD MADE IT..

YFC-FEU congrats 2 all of us we are all leaders!!
GODBLESS!!


JESUS rockz!!!!

*after a month I made my new post wew!!!*

1/27/2008

DAMAGE HAS BEEN DONE...

Am I wrong to ask them, Am I wrong to be concerned to them?...

Am I a bad Friend of them...

Bakit ganun?..

Mali ba na maging concern sa kanila, mali ba na magalala sa kanila...

Mali ba na magtanong akoh kung may problema sila?..

Anong klaseng kaibigan ba koh bakit akoh ganito sa kanila...

Hindi ba koh marunong magpahalaga sa mga tao sa paligid koh..
Akala koh magiging matatag kami, akala koh kami ang magkakaintindihan sa isat-isa..

Pero bakit ngaun nasa gitna kaming tatlo ng pagkakahiwa-hiwalay.
Anong nangyayari samin, kaylangan koh sila at hindi koh sila kayang mawala sakin pero hindi koh din alam kung anong dapat kong gawin para maging maaus lahat ng toh...

Saan akoh dapat magumpisa at anong dapat kong gawin para malagpasan lahat ng toh at maibalik lahat sa dati ung pagkakaibigan namin...
I don't have any intention to hurt them pero wala eh nagawa koh ng makapagsalita ng mga masakit sa kanila bakit ganito akoh...

Lahat na lang ng tao na nagiging malapit sakin unit-unting nawawala at iniiwan akoh..May mali ba sa pakikisama koh sa kanila..Aukoh ng mawala sila sakin dahil sila nalang ung nakakaintindi sakin at sila nalang ung mga taong nasasandalan koh..

Isa lang ba tong challenge samin ni GOD para masubukan kung gano kami katatag at kung gano namin kamahal ang isat-isa...Pero bakit ganito ung challenge agad samin napakaBIGAT at hindi namin alam kung pano lulusutan dahil kahit napakaliit na butas wala akong makita..

Sobrang nasasaktan akoh sa mga nagyayari ngaun dahil unti-unti na nalalagyan ng lamat sa pagkakaibigan naming tatlo at hindi koh alam kung paano pigilan ang paglaki ng LAMAT na un..

DAMAGE HAS BEEN DONE sabi nga niya and there's no remedy within it..
Hindi koh naman sinasadya na makapagsabi ng mga words na hindi koh alam na makakasakit sa kanya pero isa lang naman ang gusto kong malaman mula sa kaniya kung anong rison at bakit siya lumalau samin, gusto koh lang naman malaman kung may nagawa ba kami, kung may problema ba siya samin o kung gusto niyang umiwas samin dahil nasasaktan kami sa bawat araw na lumilipas at nararamdaman naming lumalau siya samin, aus lang lang naman na sabihin niya sakin(samin) na busy siya maiintindihan naman namin un eh hindi naman kami mahirap umintindi. That's all I wanna hir..


That's why I ask her why did she do that to us, bakit parang lumalau siya samin pero nung sinabi koh un I don't have any intention na saktan siya sa mga words na nasabi koh..
Pero huli na nga lahat wala na kong magagawa nangyari na lahat ng nangyari eh..



The last words I hear from her...

"Im moving away not becoz I want to"
"Im maintaning my distance not becoz I dont want to be near u"

"Im putting up a wall not becoz u did something wrong"
"Im moving away not becoz i hate u, but to avoid more misunderstandings."
"Ayokong masaktan koh pa kau lalo. kaya ok na ganito palang umalis na koh mahal koh kayong dalawa"


Sobrang nasaktan akoh nung sinabi niya samin yan, mas patuloy akong masasaktan at hindi magiging ok kung lalau siya samin..Kaya kong tanggapin lahat ng sakit na pagdadaanan naming tatlo dahil part un ng pagiging magkakaibigan namin..That's a challenge for us..

Pero hindi koh kayang tangapin lahat ng sakit na idudulot ng paglayo niya samin coz everyday na maiisip koh na iniwan niya na kami at tuluyan na siyang lalau samin patuloy akong masasaktan at sisisihin ang sarili koh sa mga nangyayari...

Mahal koh sila hindi lang bilang isang kaibigan kundi bilang ate koh, kapatid koh...
Ayoko masira ng biglaan at mawala lahat ng pinagsamahan namin..



"I thought every promise that we sed will not be broken.."
"I thought we will never leave each other's side.."
"But what now, what's going on to our friendship"..
"It's killin me more and more..."

1/20/2008

STRUGGLES bwahahah!!!

Back 2 be a BLOGGER bwahahah!!

Its been a long tym since i post my last BLOG because my mind is still empty and dunno wat 2 post hir but I should try coz I miz having a new post..

I will just tell how's my life doing ryt now after my last post and what really encourage me to have a new POST again...


Hir it goes...!

My life after my last post is very CHALLENGING because GOD gave me a new STRUGGLES that really affects me(not only me but many people) but I should say that I'm still lucky coz GOD never leave me(us) and he gave me those people that can help me to realize every little thing that happens to me..

Now I should say that,that STRUGGLE is the way of GOD to teach me to be STRONG and I know that now I am...

We can't blame anyone for those TRIALS we encounter coz they doesn't even know about it...

I will just tell one of those struggle that I've been encounter up to now...

...........................................................


There is a person that is close enough to me, he's like my older brother coz he treat me so nice like his younger sis..

But one day when I woke up I suddenly realize that I'm falling for HIM it was wrong I know coz in the first place he was just only treating me like his younger sister that's why I decided to end all of our communication. I don't even want to see HIM at all coz I know that he can't understand me coz I think he's so insensitive. I am right he really is very insensitive person. I don't want him to know all the reason's why I need to end all our communication but he tried to ask me again and again still I didn't tell HIM but I know and I already feel that he's getting an idea.
Why did I say so..?

Because one time he txted me and he said one phrase connected to what I really feel and that really force me to get mad at HIM coz that phrase is not good to hear....(grrr...) After he said that I decided not to txt HIM anymore even I am still confused if I can do it and finally I did..
I just talk to GOD about it and ask a little sign if the thing I did is right or wrong. If the sign happen in that week I'm wrong but if it isn't happen I'm right hahahha!!! Suddenly when I discern for it GOD gave me a sign that tells me I'm definitely wrong but still I continue to pray about it and it gave me a big realization hahahah!!!...


REALIZATION:

Not everyone can understand what u really feel and there are still people pretending they don't know what you're trying to say even they already know...hahahahha!!(SPONGEBOB)

................................................................


Now I'm done with those struggles and i will just laugh if GOD will give me anoder challenge because laughing is the best medicine haha...

I don't want to be EMO again coz many people sees me how I cried when GOD is giving me STRUGGLES and SATAN that time is laughing..
I'm strong enough to face all those TRIALS that GOD has given me and PPG is there to cheer me up plus YFC my second true family...

YFC for me is the source of my strength they made me strong enough to face all the people trying to pull me down because YFC pulls me up.. GOD really rockz!!!


SATAN will never see me crying because of those TRIALS,STRUGGLESand for those hu's trying to hurt me coz I'm back, Mimi's back the strong person I was before hahahaha!!!(MALDITA!!)


1/07/2008

What's happen'n to me...



I thought i am now fixed!!

But I realize I am not!!

I am definitely not FIXED!!

Nor Healed!!

I thought I am strong enough to face all my BURDENS
and to heal my owns PAINS..
How can I help other people if I know deep in me that I can't help myself..
GOD is waiting outside of my heart he's knocking on me but there's a wall between us i don't know how to remove it. Don't know what's going on with my own life. Don't know who am I..
Every piece of me are BROKEN definitely hard to fixed.
How can I start fixing all those pieces, don't know where to start.
Don't know how to remove the wall between me and my GOD.
I know GOD is still waiting outside of me.
He's hungry, sick, thirsty yet he's still waiting for me to remove the wall, open the door to my heart and mind.
I know GOD is the only one that can help me to fixed my self.
But there's hindrances why GOD can't enter my heart, my mind and all of me.
I really can't find those hindrances between me and my GOD.


---That's what I am last nyt-----


I wan't to be happy without pretending.

I wan't to be strong enough to face all those pains in me.

I wan't to get out of this problem for me to let go of myself.

I wan't GOD to enter my life, my heart and my mind.

I wan't to fixed myself.

I wan't GOD to use me.

I wan't to serve GOD without hesitation.

---This is all i want---



Last nyt sumone hit me at my back and say "Don't let Satan enter to ur heart, Don't show to him that your weak".

And suddenly I realize he's right and I wake up to the reality that I need to remove all the walls and hindrances between me and my GOD and i will let GOD enter my life, my heart and my mind.

I cried so hard because I'm guilty coz GOD get sick, hungry and thirsty because he's waiting for me to remove the wall and open the door to my heart.


I realize that he really love's me and he's willing to wait for me to get only his hand.


But still don't know how to start to get his hand even though i realize that I need HIM...

Don't know where to start my new life with.

Don't know how to fixed myself..


All I wan't is to be happy without pretending and accept GOD with all of me..

Becoz I know he's the only one I need.


---This is Who am I ryt now---


1/04/2008

I am now FIXED!!





I do have alot's of burden inside of me..

Cguro nga tama ung naging mess. sakin ni GOD...


I have 2 let go of it...
Ask some help from other people that u know can help u..


Sobrang naging aus akoh ngaung araw na toh..



Muli akong pinaiyak ni GOD dahil niyakap niya koh during our 1ST WORXP of the year, pinaiyak niya din akoh dahil pinaramdam niya na di akoh nagiisa dahil madaming taong naniniwala, nagmamahal at sumusoporta sakin.




Ang sarap ng feeling na marefresh lahat sa utak at puso moh ung mga bagay na unti unting nawawala sau dahil sa mga PAINS, BURDENS and BITTERNESS inside of u.




Muling ipinaramdam sakin ni GOD na nanjan lang siya hinihintay akoh na kunin ang mga kamay niya at muli niya akong itatayo sa pagkakadapa koh dahil nagpapadala akoh sa mga bagay na humahatak sakin pababa.




Super sarap ng pakiramdam na nilinis at inauz ni GOD lahat ng sakit sa puso koh meron paring mga lamat ang natitira pero alam koh TIME CAN HEAL. Ang daming taong mas higit pa ang PAINS sa loob nila pro akoh mga problema koh ngaun alam koh wala pa un pero bakit akoh nagpapadala. Hindi koh kaylangan maging mahina dahil alam koh na nanjan ang mga taong nagmamahal at patuloy akong susuportahan sa lahat at gagabayan sa lahat katulad ng mga ka YFC koh. Sobrang minahal koh sila at hindi koh kayang mawala sila sakin dahil sila lang nagbibigay ng lakas ng loob sakin pero alam koh GOD HAS A BETTER PLAN FOR MY LIFE at unti unti silang kukunin sakin hanggang matutunan kong magisa at tumayo sa lahat ng mga problema koh pero sana hanggat wala pa iyon hindi sila mawala sa tabi koh dahil sila lang ang mga taong nakakatulong at nakakagabay sakin.




Ano nga bang PURPOSE koh bilang isang YFC. Siguro kinuha akoh ni GOD dahil alam niya na kaya koh lahat lagpasan ang BURDENS koh at alam niya na kaya kong magpagamit sa kanya para ikalat ang pangalan niya. Isa na nga siguro un sa mga PURPOSE koh dito pero kung malalaman koh lang lahat alam koh madami pa akong dapat matutunan at lagpasan para malaman at makuha ang tunay na halaga koh bilang isang TAO at bilang isa sa mga magpapakalat ng pangalan ni KRISTO sa mga taong hindi naniniwala sa kaniya.



Alam koh ngaun pagkatapos ng WORXP namin kanina muli nanaman akong magiging maauz hindi man TOTALLY ok pero alam koh nabawasan lahat ng PAINS na dinadala koh.


GOD FIXED ME..

GOD FIXED MY BROKEN HEART..

GOD PUT AWAY ALL MY BURDENS...

Dunno when!!..





Until when Im gonna hide those tears and those pains to all the persons around me?..




Siguro hanggat kaya pang dalhin ng utak at puso kong itago lahat ng luha at sakit na nararmdaman koh.




Hangang saan ba ang kaya koh na magkunwaring masaya kahit hindi namn ang hirap at ang bigat sakin na hindi koh maipakita sa kanila at maipadama sa kanila ung tunay kong nararamdaman ang daming problemang dumarating sakin na alam kong kaya koh naman lagpasan pero binigay ba sakin un ni GOD para tignan ang kakayanan koh at ang faith koh sa kanya o ibinigay sakin un ni GOD para isipin at ipagkatiwala din sa iba at isiping hindi akoh nagiisa. Itong BLOG na toh ang nagsisilbi sakin na takbuhan koh sa tuwing ang dami kong iniisip at ang daming gumugulo sakin nasan ba ang tunay na MIMI ung kilala ng lahat na maingay, magulo, masayahin, makulit at super kung tumawa bakit ngaun ang daming naninibago sakin at tinatanong kung akoh nga ba talga toh.




Naitanong koh nadin un sa sarili koh sino ba talga ang taong nasa loob koh ngaun "akoh nga ba toh?" At naitatanong koh rin sa sarili koh "karapat-dapat pa ba akong maging isang YFC" ang daming kasablayan ang nagagawa koh. Bakit ganun akoh anong nangyari sakin? Anong kaylangan kong gawin para maibalik at maging masigla ulit ang MIMI na kilala ng lahat. Pero pano koh gagawin un kung hindi koh alam kung saan akoh maguumpisa.




Sa araw-araw na nand2 akoh sa earth at nabubuhay may mga tao akong nasasaktan ng hindi koh namamalayan, may mga tao akong hindi koh binibigyan ng pansin kahit alam kong sila lang ang makakatulong sa lahat ng problema koh. Binigay sila sakin ni GOD para gabayan akoh at akayin akoh sa tamang landas pero bakit nagpapadala padin akoh sa mga kamalian koh?. Ano ba ang tama at mali?, ano ba ang dapat at hindi dapat kong ginagawa? Alam koh un pero bakit hindi koh padin magawa.




New Years eve sa halip na makisaya akoh ng gabing un mas pinili koh mag-isa sa kwarto koh, tumingin sa bintana, pagmasdan ang mga makukulay na paputok na parang umaakyat sa langit at nagiisip ng malalim kung ano ba akoh sa mundong toh?. Ano bang misyon koh at bakit akoh nandito ngaun? Ano ba ang dapat kong matutunan at ano ba dapat ang ituro koh sa mga taong kailngan akoh..


Hindi koh mahanap ngaun kung nasan ba ang MIMI at kilala ng lahat. Hangang kaylan ba koh magiging gani2, hangang kaylan ba maitatago ang sakit ng nararamdaman koh at kelan ba koh ba maipapakita ang sarili koh sa iba?. Sana maibalik koh ang dating sigla at saya sa mga ngiti at mata koh. Nasan na nga ba iyon?. San napunta? Mayron bang kumuha?. Ewan koh kung ano dapat ang isipin at ano dapat ang gawin koh para maibalik lahat sa dati at maging maayos muli akoh. Ang hirap magkunwari at itago ang totoong nararmdaman.


Until when I'm gonna hide those tears and pains in me...

1/02/2008

My 2007 life w/ YFC-FEU..

OCTOBEr 15-17

(TALON! CAMP)
I2 ung date kung saan una kong nakilala ang YFC-FEU and unti-unti akong pinagbago as time and weeks goes by. Super naging malaking part sila ng life koh dahil pinakilala at tinulungan nila koh na ipakilala sa sarili koh kung sino si GOD at ano ba siya sa buhay koh. Hinding hindi koh pdeng makalimutan ung mga nangyari d2 as 2007 became history.


OCTOBER 20-21

(GK EXPO)

Diz date was the GK expo. na ginanap sa likod ng MOA madami kaming pumunta dun na nagkita2 sa JOBI MORAYTA kasama na si ATE RHEI (YFC-FEU ALUMNAE) kung saan dun koh unang nakilala. Hapon palang ay nandun na kami ngunit noong dumating na kami ay nagumpisa ng magparada kaya naghanap kami ng mga taong masasabayan upang makapsok kami sa mismong lugar kung saan gaganapin ang GK. Nagsimba din kami doon sa malapit na simbahan sa may MOA at doon mismo sa lugar ay meron pa kong nakilala galing sa ibang campus (TIP) it was Kuya Patrick, Kuya Ricky and Andrew na kasalukuyan na hindi pa ganap na YFC. Maagang natapos ang GK ngunit madami samin ang hindi pdeng umuwi dahil nakapagpaalam na uumagahin kya nagpasiya kaming maghanap nalang ng lugar na pde naming pagtambayan kaya naglakad-lakad kami ng paikot2 at bandang 5am ay nakarating kami sa baywalk at hinintay na lumiwanag at duon kami nagpasyang umuwi kahit nakakapagod ang araw na iyon super naging memorable namn at naging masaya ang araw na nagkasama2 kami.

NOVEMBER 05


(FIRST WORXP)
It was our first worxp for the 2nd sem. at the same time it is also my 1st ever experince 2 have a worxp. Super naging masaya ung una kong worxp kasi d2 una kong pinaiyak ni GOD dahil sa mga bagay na super kong naappreciate at dahil sa mga bagay na ibinigay sakin ni GOD simula ng naging part akoh ng YFC-FEU d2 rin isinagawa ang isang surprise party para kay JHOM isa ring talon baby ka2lad koh dahil NOv. 04 ang kanyang b-day at gus2 ng buong YFC na iparamdam sa kanya ang love na galing kay GOD at sa YFC.

DECEMBER 09
(X-MAS PARTY)
It was sunday morning nagkita kita kami sa jobi morayta w/ YFC-FEU at sabay sabay pumunta sa DAR GYM kung saan gaganapin ang x-mas party of the hul Metro Manila YFC. Super aga ng kol tym namn 7am actually pero nagkitakita na kami at nakumple2 ng 8 paz and nakadating ng 9paz sa DAR akala nmn late na kami at patapos na pero pagdating nmn naguumpisa palang ng opening worxp kya umabot kami sa lahat ng mga ginanap doon.Diz date also is the bday of Kuya Jm kya nagpunta kami ng TRINOMA and duon nagikot ikot until we find a GOOD place 2 stay kung saan ang dami naming napagusapan at napagkwen2han at super dami ding tawanan dahil sa bago kong kilala na naging Tatay koh c TATAY LEE. Super napuno ng halakhak ang paligid dahil sa knya. Almost paz 5pm na kami umalis ng TRINOMA at nagkahiwahiwalay pero bago kami 2luyang umuwi nagsimba muna kami sa SAN SEBASTIAN CHURCH at nagpasalamat dahil super naging masaya ang araw na un.

DECEMBER 15-16
(COVENANT & YCT)

It was our covenant day for the TALON babies pero syempre d lang para samin un pati narin sa mga d pa nakakapagcovenant super naging masaya ung 2 days and one night na samahan namin Dec. 15 at 5pm nagkita kita ulit ang YFC sa JOBI LEGARDA and nagpunta sa apartment nila KUYA NICK kung saan gaganapin ang COVENANT at dun magoovernyt. 12am kami lahat nagpahinga pero isa koh sa mga hindi naka2log dunno y?.and after dat Dec. 16 at 3am nagsigising at nagayos 4 d simbang gabi super saya kasi kahit puyat kami at ung iba hindi na2log still nakapg SIMBA parin kami ng sabay sabay at pag katapos magsimba isa isa ng bumalik sa pagppahinga at na2log habang hinihintay na magkaron ng tubig at makaligo.8am nagstart na ulit ang tok 2 hanggang 7pm sunod sunod na tok kasama na ang pagkakaron namin ng YCT for the upcoming CAMP.

DECEMBER 20-22

(TIMEOUT! CAMP)

I2 ung last CAMP 4 d yr. na napuntahan koh super naging maayos at maganda ung kinalabasan dahil kahit madaming struggles at problema ang pinagdaanan namin during and after d camp still nasagawa padin namin ng maayos. I2 din ung first tym koh na magiging FACI super duper kinakbahan at natatakot akoh nung una dahil wla pa kong kaalam alam kung ano dapat ginagawa ng isang FACI binigyan kami ng FACILITATORS GUIDE and binasa koh un paulit2 simula sa D.G. at sa one2ones sa isang paticipant and hindi koh inaasahan na dalwa hahawakan koh and hanggang dumating ung nyt ng pag BAPTISE super kinakbahan akoh pero ang daming nag cheer-up sakin na wag kabahan dahil hindi naman mahirap un and the only thing I need is my faith 2 our GOD. Hanggang sa natapos nalang un ng d koh namamlayan at nasabi koh sa sarili koh super saya pala maging isang FACI at gus2 koh ulit ung maulit. Ang galing ni GOD magwork sakin dahil alam koh he never leave me.
I2 lahat ng nagawa koh w/ YFC-FEU na sobrang hindi koh makakalimutan sa pagdating ng 2008 and alam koh mas madami pa kong pagdadaanan at mararanasan sa taon na toh kasama ang YFC-FEU hindi lang ang YFC-FEU pati na sa ibang mga activities.

My 20th Birthday..

Zodiac Sign...


I got my Zodiac from 123mycodes.com

Multiply