? ??????????????Loving Embrace? ????? ?? ???Rating: 5.0 (2 Ratings)??6 Grabs Today. 3153 Total Grabs. ????
??Preview?? | ??Get the Code?? ?? ?????Spacey Love? ????? ?? ???Rating: 4.6 (8 Ratings)??6 Grabs Today. 10676 Total Grabs. ??????Preview?? | ??Get the Code?? ?? ???????????? ????Easy BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS ?

Love takes time...

GOD know's what's best for us..
GOD know's who is the real person to be loved,,
GOD know's where to stop and to continue loving..
GOD has it's reason for giving us a person to love..
GOD gave us happiness when he brought us a person to love..
GOD gave us pain when he get back the person we love..

EVERYTHING HAS A REASON...

GOD know's everything..

and GOD is the only one that will give a pure love for us...

If this isn't love...

Emote pics..

3/28/2008

ANG SAKIT PALA!!!


Ang sakit pala at ang lungkot pala ng bahay namin kapag wala na ang mga pinsan ko..

Akala ko nung dumating ang kanilang ina at sinabi na kukunin na sila ok lang sakin at walang sakit na mararamdaman kasi mawawalan na ko ng parating pinagsasabihan at siyempre minsan na inaaway pero mali pala yun ngaun ko lang naramdaman ang sakit pala talaga na malayo sa mga taong napalapit na sayo ng sobra at kasama mo sa araw-araw..

Simula pag gising mo sa umaga sila yung magsasabing "GOODMORNING ATE" at sila rin yung kakulitan moh sa buong araw at sila padin yung huling magsasabi sayo ng "GOODNIGHT ATE".

Akala koh na pag wala na sila medjo mababawasan ang pag kagulo ng bahay namin dahil nga sa mga bata sila ayun siyempre may time na nakakainis dahil makukulit at pasaway sila kaya yun ang inakala ko na medjo mababawasan ang pagkagulo ng bahay pero ngaun naisip ko sana hindi nalang sila umalis kasi mas masaya ang bahay na to at mas maingay kahit makukulit sila.
Ang sakit pala na wala na yong mga taong nakasama mo sa araw araw, kakulitan, kaasaran, kakilitian at kasabay sa hapag kainan. Naalala ko unang dating palang ng pinsan ko na si KRISTINA galing amerika nagkasakit agad siya na sobrang taas ng lagnat at ako ang naging tagapag alaga niya kahit nandito pa mama niya, sakin siya tumabi sa pag tulog na ako ay hindi makatulog dahil sobrang nagaalala ko sa kanya dahil sa taas ng lagnat, ako din ang nag papaligo sa kanya dahil kasalukuyan palang siyang tatlong taon nun at ngaun na umalis na sila malapit na siyang mag pitong taon. Para ko na kasi silang nakababatang kapatid. Naalala ko din nung unang tumira sila ditong dalawa sobrang nagulat ako dahil madadagdagan kami dito sa bahay at halos ayaw ko pa nga dahil magiging magulo ang bahay namin dahil dalawang bata ang titira sa amin. Pero ngaun ito na tatlong taon mahigit silang nakatira samin ngaun wala na sila ang sakit pala..

Parang kahapon lang kakarating lang nila dito at halos ayaw pa nilang makipag usap samin, at parang kelan lang ang liit pa nila at hindi pa sila ganung nakakaintindi ng mga pinaguusapan at si KRISTINA halos hindi pa marunong mag salita ng tagalog pero ngaun nakakintindi na sila pareho. Si MIGUEL naging honor student nung grade one siya at ako pa ang naging tutor niya sa mga assignments niya pero ngaun ayun grade three na siya bago siya umalis ang sakit lang na yung inalagaan mo at tinuruan mo ng matagal na panahon biglaan nalang mawawala ang sakit sa pakiramdam na parang may tinusok sa puso mong espada grabe pala yung sakit na mararamdaman mo.

Kaninang umaga hindi ko alam kung sasama ako sa pagahatid sa kanila sa airport pero sabi ko sa sarili ko sige ito na ung huling beses na makakasama ko sila eh limang taon pa hihintayin ko bago ulit sila bumalik at makita ko ulit sila, tanong ko lang sa sarili ko makilala pa kaya nila kami?ako?sana nga. Si MIGUEL halos hindi na nakatulog sa pag ka excite pero si KRISTINA ayaw na niyang bumangon dahil parang alam na niya ang mangyayari na babalik na siya sa amerika.

Habang nasa sasakyan at papuntang airport tahimik lang si KRISTINA dahil ayaw niya talagang umuwi sa amerika samantalang si MIGUEL sobrang excited na dahil ngaun lang siya makakapunta dun. Hindi sinabi kay KRISTINA na uuwi na sila dahil nga ayaw niya talagang sumama. Nakababa na kami sa airport nakaramdam na si KRISTINA na uuwi na sila at panay ang pabuhat niya sakin. "ATE BUHAT ME" yan ung words na sinasabi niya sakin at halos ayaw na niyang bumaba sakin kahit sobrang pagod na ko ayaw padin niya bumaba sakin hanggang sa pinaupo ko muna siya sandali at nakita ko na tulala siya nilapitan ko at biglang yakap agad siya sakin at sabay sabi ulit na "ATE BUHAT ME" binuhat ko ulit siya at maya maya lang napagod na ulit ako dahil sa sobrang bigat niya at pagkababa ko sa kaniya dumatin na yung mama niya at kelangan na nilang pumasok dahil 7am na at ang flyt nila ay 8am bago sila umalis hindi na ko pinansin ni KRISTINA dahil binigay ko na siya sa mama niya pero bago ko siya ibaba sa pagkakabuhat ko sa kaniya namumula na yung mata niya na parang maguumpisa ng umiyak. Pagkakuha ng mama niya sa kanya yumakap siya kay MOMMY at umiyak at sobrang naiyak at nasaktan din ako dahil sa nakita ko siyang umiyak at ayaw ng bumitiw kay MOMMY sobrang sakit pala na ganun yung makikita mo sa airport.

After how many years na nakasama mo sila sa araw araw na buhay mo bigla nalang silang mawawala. Ang lungkot pala ng bahay pag ganito ang makikita mo pag dumating ka walang batang sasalubong sayo at magsasabing "ATE ANONG PASALUBONG MOH SAKIN?" kakamiss din pala yung mga ganung bagay.

Kaylangan ko ng masanay sa ganitong bahay tahimik, walang bata, walang makulit, walang manghihingi ng pasalubong sayo. Kaylangan ko ng tanggapin ang mga bagay na wala na samin ngaun.

MY REALIZATION:

Lahat ng bagay at tao sa mundo mo ngaun ay aalis, mahalin mo at pahalagahan mo lahat ng tao na kasama mo ngaun at sa lahat ng bagay hindi ka pwedeng hindi masaktan kaya tanggapin mo lang kung ano man ang nagyayari sayo lahat naman yan ay may kapalit na magandang magyayari.

My 20th Birthday..

Zodiac Sign...


I got my Zodiac from 123mycodes.com

Multiply