? ??????????????Loving Embrace? ????? ?? ???Rating: 5.0 (2 Ratings)??6 Grabs Today. 3153 Total Grabs. ????
??Preview?? | ??Get the Code?? ?? ?????Spacey Love? ????? ?? ???Rating: 4.6 (8 Ratings)??6 Grabs Today. 10676 Total Grabs. ??????Preview?? | ??Get the Code?? ?? ???????????? ????Easy BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS ?

Love takes time...

GOD know's what's best for us..
GOD know's who is the real person to be loved,,
GOD know's where to stop and to continue loving..
GOD has it's reason for giving us a person to love..
GOD gave us happiness when he brought us a person to love..
GOD gave us pain when he get back the person we love..

EVERYTHING HAS A REASON...

GOD know's everything..

and GOD is the only one that will give a pure love for us...

If this isn't love...

Emote pics..

8/13/2009

FULL MOON..

Minsan lang sa isang buwan magkaroon ng tinatawag na FULL MOON...

08 - 07 - 09
around 9pm


Ito ang araw at oras kung saan nakita at nasilayan ko ang napakagandang liwanag ng buwan.

Gusto kong itanong sa sarili ko "paano at saan nga ba nanggagaling ang liwanag na ibinibigay ng buwan na iyon."

Napaisip tuloy ako kung bakit ko kaylangan itanong pa ang bagay na iyon kung alam ko naman ang sagot.

Ano nga ba ang sagot sa tanong kong iyon?

Madaming pwedeng isagot doon pero isa lang ang pinaniniwalaan ko.

Kung ano man ang bagay na iyon madaming magrereact na tama ako.

At madami rin ang hindi sasang ayon dahil madami din ang taong sasabihin na mali ako.

Ngunit alam ko na opinion ko lamang ito at hindi pwedeng sabihin na mali o tama ako.

Para sa akin si GOD lang ang nagbigay ng liwanag ng buwan na nakikita at kinamamanghaan natin sa tuwing nakikita natin ito.

Ilalagay ko at ikukumpara ko ang liwanag ng buwan sa isang buhay ng tao.

Sabihin natin na ang ulap ang mga taong humaharang sa kagandahan ng buhay ng isang tao.

Ang liwanag ng buwan ang mga taong nagbibigay ng kulay sa buhay ng isang tao.

At ang mga bituin ang mga taong nakapaligid lamang sa buhay ng isang tao.


Tama ba kung iisipin natin na ang buhay ng tao ay katulad din ng isang buwan sa kalangitan?.

Bakit ko nasabi ang bagay na ito.

Ang buwan maganda lalo na kapag may nakapaligid sa kanyang isang napakatingkad na liwanag.

Sa buhay ng tao may mga taong nagbibigay ng liwanag dito katulad ng isang pamilya, kamag -anak o kaibigan.

Sila ang mga taong tumutulong upang malagapasan ang mga problema at sila din ang pilit na nagbibigay liwanag upang hindi sumuko sa mga pagdadaanang laban.

Mga bituin sa buhay ng tao ito ang mga taong nakapaligid sa buhay ng tao may mga bituin na makikinang mayroon din namang hindi.

Sabihin nalang natin na ang mga matitingkad yun ang mga taong nagbibigay ng rason para ngumiti ang buwan at isa din sa nagbibigay ng kulay sa buhay ng tao.

Ulap, may mga ulap na lalong nagpapaganda sa liwanag ng buwan ngunit mayroon din naman na tinatakpan o hinaharangan ang magandang liwanag na dulot nito.

Ano nga bang klaseng tao ang mga ulap na aking nabanggit?.

Siguro ito yung mga taong nagiging hadlang sa buhay ng isang tao.

Hindi sa lahat ng oras maganda at masaya ang buhay ng isang tao na parang isang buwan sa kalangitan na hindi sa lahat ng oras nakikita natin ang kagandahan nito dahil madalas natatakpan ito ng makapal na ulap.

Madaming hadlang ang pinagdadaanan ng isang tao upang maging masaya at matagumpay, un ang mga ulap na makakapal sa buhay natin.

Hindi natin maiiwasan na may mga taong pilit na humahadlang sa mga gusto at sa mga bagay na alam nating makakapagpasaya sa atin.

Ang ibang ulap naman na humaharang sa liwanag ng buwan ay lalong nagbibigay ng kagandahan base sa paglabas at pag takip nito.

Katulad nalang sa buhay ng tao madaming taong humahadlang sa kagustuhan mo hindi para sirain ang kaligayahan mo kundi dahil gusto nilang mas gumanda ang buhay mo.

Maganda ang buwan sa kalangitan katulad din ng buhay ng tao.

Madaming nagsasabi na nahihirapan sila sa sitwasyon ng buhay nila ngayon pero kung titingnan nila ang buhay nila sa magandang paraan masasabi nila na may liwanag na naghihitay sa kanilang kinabukasan kung marunong lang silang sumabay sa agos ng buhay.

Hindi sa lahat ng panahon maganda ang nangyayari sa buhay ng isang tao, kelangan natin na makaranas ng hirap para may matutunan tayo at maging matatag sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan natin.

Binibigyan tayo ni GOD ng mga pagsubok upang lalo tayong maging matatag at kumapit sa kanya, ngunit hindi niya tyo bibigyan ng pagsubok sa buhay kung alam niya na hindi natin ito kayang lagpasan.

Isa lamang ito sa mga dahilan kung bakit patuloy dapat tayong kumapit at maniwala sa kanya dahil alam niya na sa tamang panahon may magandang bagay ang maidudulot nito at siya lang ang makakapag pasya kung anong magiging kahihinatnan ng ating buhay.

Katulad ng isang buwan sa kalangitan, hindi sa lahat ng panahon nakikita natin ang kagandahan nito lalo na kung may isang makapal na ulap ang nakatakip at itinatago ang ganda nito.

Ngunit sa kabila ng makapal na ulap na nakatakip sa kagandahan ng buwan naniniwala parin tayo na sa tamang panahon lalabas ang tunay na ganda ng nakatagong buwan sa makapal at madilim na ulap.

Masasabi ko na sa kalangitan ang isang nagbibigay ng kagandahan sa gabi ay ang buwan lalo na kung ito ay bilog na bilog at may nakapalibot dito na maliwanag na sinag.

Madami pa tayong nais ihalintulad sa buwan na nagbibigay liwanag a kalangitan tuwing gabi, pero alam din natin na hindi natin nakikita ang buwan kung gano ito kaganda araw araw dahil madalas hindi natin ito nasisilayan.

Sa kabila ng mga pagsubok natin sa buhay may liwanag ang naghihintay sa atin, na alam nating maaring makatulong upang ipag patuloy ang magandang simula ng ating buhay.

Kaylangan lang natin kumapit kay GOD at maniwala sa kung anong planong nakalaan para sa buhay natin.

7/09/2009

SINAG ng ARAW...

Isang dapit hapon nakasakay akoh sa pampublikong sasakyan (FX)..
Nagiisip ng kung anong gagawin at kung anong mangyayari sa araw na yun..

Bigla akong napatingin sa kalangitan, mainit, at masakit sa mata ang araw..

Isinuot ko ang salaming pangaraw (SHADES)..

Muli akong tumingin sa kalangitan at nasilayan ko unti unti ang SINAG NG ARAW..

Namangha ako sa kagandahan nito at nasabi ko sa isip ko "ganito pala kaganda ang sinag ng araw"..

Habang pinagmamasdan ko at nakatingala ako sa kalangitan isang madilim na ulap ang tumakip sa kagandahang aking tinitingnan.

Napasimangot ako at nagisip ulit "bakit naman ngayon pa tinakpan ng ulap na un ung araw kung kelan nagagandahan na ko"..

Agad ko nalang binaling ang mga mata ko sa kasagsagan ng daan pauwi.

Ngunit hindi ko parin matiis ang hindi tumingin sa langit dahil sa lubos akong nagandahan sa aking napagmasdan.

Unti unti ulit akong tumingin sa kalangitan ngunit nakatakip padin ang makapal at maitim na ulap sa SINAG NG ARAW.

Ilang sandali pa ang lumipas at unti unti ng nawawala ang ulap na iyon at habang ito ay gumagalaw at lumalayo sa araw lalo akong namangha sa aking nakita dahil ang ganda pala nito habang unti unting inilalabas ang sinag.

Naisip ko "kelan kaya ako makakakita ng paglubog ng araw?". .

Ilang sandali pa ang lumipas pababa na ako at habang naglalakad papunta sa aming bahay ang daming pumasok sa isip ko.

Nasabi ko sa sarili ko na ang swerte ko pala dahil may mata ako at nakikita ko ang hindi nakikita ng may mga kapansanan.

Nasabi ko din na bakit may mga taong hindi magbigyang pugay ang kalikasan gayong ito naman ay napakaganda.

Nakarating ako sa aming bahay habang nagiisip.

Humiga ako at pinagpatuloy ang pagiisip.

Habang nagiisip madaming bagay ang pumasok sa isip ko na hindi ko alam kung bakit ito ang mga bagay na naisip ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naisip ko na ang sinag ng araw kapag tiningnan mo ng biglaan o walang suot na salamin ay masakit sa mata at hindi ka makakatingin ng deretso ngunit kapag ikaw ay may suot na salamin makakatingin ka at konti lang ang sakit na idudulot nito sa mata mo.

Ikinumpara ko itong naisip ko na to sa buhay ng tao.

Sa buhay ng tao kung hindi mo iisipin ang gagawin mo at gagawin mo ito ng biglaan maari kang masaktan pero kung ito ay iisipin mo at maglalagay ka ng plano unti unti itong magiging maaus.

Katulad sa pagmamahal kung ikaw ay mgdedesisyon ng biglaan ikaw lang ang masasaktan pero kung ikaw ay magiisip kung ano ang dapat gawin hindi ka madaling masaktan.

Maraming bagay akong naisip at naikumpara sa bagay na naisip ko nung mga panahon na yun.

Naisip ko din, mali ba at padalos dalos ba ang naging desisyon ko sa buhay?

Kaya hanggang ngayon hindi ko maalis na masaktan.

Pero naisip ko din naman na kelangan kong masaktan para matuto sa mga bagay bagay na ginagwa ko.

Nung araw na naisip ko ang mga bagay na to nanghinayang ako, sa mga araw na nakasakit ako, sa mga araw na may nasaktan ako.

Marami na akong pagkukulang sa mga tao sa paligid ko dahil sa isang bagay na ginagawa ko ng hindi ko pinagiisipan.

Nasaktan ako sa bagay na yun ngunit alam ko na yung sakit na yun ay isa lamang panandalian at mawawala ng unti unti.

Madaming taong naghihintay sa pagbabalik ng dating ako, sa pagiging masayahin ko, sa pagiging makulit ko.

Isang madilim na ulap ang tumakip at humarang sa mga pangarap na dapat ay nakita ko na ngunit hinayaan ko yung ulap na yun na takpan ako at hindi iyon makita.

Ngunit ngayon unti unti ng umaalis ang maitim at makapal na ulap na yun sa aking sinag upang makita ko na ang mga pangarap ko.

Ngayon may isang ulap ang dumating na alam kong hindi ako tatakpan at hindi ako haharangan sa mga pangarap na gusto kong gawin, dahil itong ulap na ito ay alam kong isang maganda at kulay asul na ulap na lalong magpapaganda sa sinag at tutulong upang makalabas ako sa maitim na ulap.

Isang maitim na ulap man ang dumaan sa akin alam kong may natutunan at may nakita din naman akong mga bagay na hindi ko makikita kung wala iyon.

Alam kong pagkatapos ng isang ulap na iyon ay marami pang dadaan ngunit alam ko din na hindi dapat ako magpatalo sa kapal man o itim man ng ulap na dadaan sakin dahil alam ko na may gagabay sa sinag na hawak at daladala ko.

Ito ang mga bagay na naisip at nasabi ko nung nakita ko ang SINAG NG ARAW...

My 20th Birthday..

Zodiac Sign...


I got my Zodiac from 123mycodes.com

Multiply