? ??????????????Loving Embrace? ????? ?? ???Rating: 5.0 (2 Ratings)??6 Grabs Today. 3153 Total Grabs. ????
??Preview?? | ??Get the Code?? ?? ?????Spacey Love? ????? ?? ???Rating: 4.6 (8 Ratings)??6 Grabs Today. 10676 Total Grabs. ??????Preview?? | ??Get the Code?? ?? ???????????? ????Easy BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS ?

Love takes time...

GOD know's what's best for us..
GOD know's who is the real person to be loved,,
GOD know's where to stop and to continue loving..
GOD has it's reason for giving us a person to love..
GOD gave us happiness when he brought us a person to love..
GOD gave us pain when he get back the person we love..

EVERYTHING HAS A REASON...

GOD know's everything..

and GOD is the only one that will give a pure love for us...

If this isn't love...

Emote pics..

4/14/2008

My new world...

Anong oras na at gising pa ako..?(2:45 am/04:14:08)


Bigla lang kasing may pumasok sa isipan ko na ilagay dito sa blog ko..

Kanina pa kasi ako nagiisip kung ano bang magandang ilagay at ipost dito..


Habang may binabasa akong isang blog *secret kung sino man siya* may biglang pumasok sa isip ko na magsulat tungkol sa mga nangyayari sa akin ngaun.


Ano nga bang mga bagay bagay ang kakaibang nangyayari sa akin ngayon?


Naisip ko lang na napakaswerte ko kasi simula noong naging isa ako sa pamilya YFC (Youth For Christ) naramdaman ko na sobrang daming taong nagaaalala sa akin na noon palang ay hinahanap ko na.


Noon palang ay hinahanap ko na ang pagmamahal ng mga taong ituturing ako na isang pamilya at ngayon masasabi kong nakita at naramdaman ko yun sa YFC. Hindi ko maitatago na sa tuwing kasama ko sila iba yung saya at pagmamahal na nakikita at nararamdaman ko.


Dito ko rin unang naranasan na umiyak *oo iyakin ako pero iba to* ng dahil sa saya, sa tuwing makikita ko sila na nakangiti sa harapan ko nasasabi ko sa sarili ko ang swerte ko kasi may mga taong nandito sa harap ko, nakangiti at pinaparamdam na mahalaga ako sa kanila.


Noong una kong mga araw sa pagiging YFC hindi ko pa alam kung pano makisaya sa kanila dahil medjo nahihiya pa ako makihalubilo sa kanila pero hindi nagtagal naramdaman at nasabi ko sa sarili ko bakit kelangan kong mahiya kung sa palagay ko naman itinuturing nila akong kapamilya.


Ang dami kong naranasan sa YFC na hindi ko pa naranasan noon sa buong buhay ko. Ako kasi ang taong nasa bahay lang, nakakulong sa kwarto, nanunuod, nagtetext, lumalabas lang kasama ang pamilya o di kaya pag pupunta sa eskwelahan. Late man ako umuwi noong nasa hayskul palang ako pero wala akong ibang pinupuntahan kundi ang lugar malapit sa eskwelahan namin o di kaya ay bahay ng mga kaibigan pero kadalasan ay uwi agad pag katapos ng klase ko *hindi ako mabait na bata haha*. Kaya masasabi ko na simula nung naging YFC ako ang daming bagay ang nagawa ko na akala ko ay hindi ko kaya katulad nalang ng makikipag usap ka sa mga taong hindi mo kilala at itatanong mo kung sino at gano sila kalapit kay GOD *oo nagawa ko un dahil sa YFC*. Ang sarap ng feeling na ipinapakilala mo sa iba kung sino si KRISTO at ano ang mga nagawa niya at kaya niyang gawin para sayo. Dito ko rin naranasan na mapalayo sa pamilya ko ng dalawang araw at dalawang gabi dahil hindi ako pinapayagan na mag overnight kung saan saan at ang kanilang rason ay isa daw akong babae *hay babae nga naman ang daming bawal* pero naiintindihan ko sila kaya hindi ako sumusuway sa gusto nila * inuulit ko hindi po ako mabait na bata*.

Bukod sa nakilala ko ang pamilya YFC ang daming nilang naituro at naiparealize sakin. Dito ko rin unti unting nakilala kung sino ba talaga ako at anong purpose ko dito sa mundo ng YFC. Sobrang dami kong nalaman sa sarili ko at unti unti kong naalis ang pagiging iyakin ko sa mga simpleng bagay. Ako kasi ang taong sobrang iyakin na parang pag inagawan mo ng candy ay iiyak na *ooppss nangyari un huhu umiyak talga ako dahil nasira ung heart na candy na binili ko* ganun ako kaiyakin pero ng dahil sa YFC nabago ko lahat yun. Ang daming bagay ang itinuro nila sakin isa na dito ang "magmahal lang ng magmahal kahit nasasaktan" dahil si KRISTO kahit nasasaktan minamahal at pinapatawad padin niya tayo. Yan ang unang bagay kong natutunan sa YFC pero higit pa diyan ang mga naituro ng YFC sakin.



Sa YFC naramdaman ko din ang halaga ko, lalo na nung nag karon kami ng botohan at isa ako sa naboto bilang DOCU, hindi ko inisip na magiging EXECOM ako dahil isa palang akong baguhan sa YFC at hindi pa ganun kalawak ang kaalaman ko about sa pagiging YFC. Nung sinabi nga na magbobotohan ng mga bagong EXECOM naisip ko kung ano ba yun at anong ginagawa dun hanggang sa nagkaron ng talk tugkol dun at doon ko nalaman kung anong ibig sabihin nun.



Dito rin sa YFC naranasan ko ulit sumayaw sa ibabaw ng stage kaharap ang madaming tao. Matagal ko ng hindi nararanasan ang sumayaw simula nuong tumungtong ako sa kolehiyo huling sayaw ko ay noong 1st yr. 1st sem palang ako sa kolehiyo pero ngayon ay mag 3rd yr. na ako *dapat pero nagshift ako kya 2nd n' 3rd yr. ako* at taon na din yung nakalipas nung huli akong sumayaw sa maraming nanunuod hindi man ganun kadami pero nasa 300 nadin na estudyante un,un ung huling beses akong sumayaw. Pero ng dahil sa YFC nakasayaw ulit ako hindi ko alam pero nung may naghahanap ng sasayaw para sa YEAREND party ng YFC nagtxt agad ako na gusto ko kahit nahihiya ako. Nagpraktice lang ako ng isang araw dahil kinabukasan na yung sayaw pero nagawa ko padin siya dahil alam ko sasayaw ako para sa GOD ko.



Pangalawang sayaw ko sa YFC ay nung 15th ILC na ginanap noong APRIL 4-6. Noong una may nag GM (Group Message) sa akin na naghahanap daw ng mga gustong sumayaw for ILC nagtxt agad ako sa finorward na number at kinabukasan nalaman ko din na hindi lang ako sa PIYU ang sasayaw pati si PAKNER at DADI MJ. Ang akala pa nga naming sayaw ay simple lang parang yung ginawa ko lang noong YEAREND pero hindi pala yun basta basta. Konti palang kami nung 1st training at ang sabi sa amin ay kelangan ng 35-40 dancers dahil malaki ang stage at may costume pa. Nagulat ako dahil hindi pala ito katulad ng inaasahan ko pero natuwa din ako na napabilang ako dito sasayaw ka sa harap ng sampung libo mahigit na katao. Sabi sa amin ang kelangan namin na oras ay tatlong buwan para maayos at maging maganda ang sayaw namin dahil hindi lang isa ang isasayaw namin kundi dalawang gabi kaming sasayaw na magkaiba ang steps at tugtug ngunit kulang na kami sa oras. Akala naming lahat ay hindi namin magagawa ng maayos ang sayaw at hindi namin matatapos pero dahil alam namin na ginagawa namin iyon para kay GOD nagtiwala kami sa mga sarili namin at sa bawat isa na kaya namin yun. Sa tatlong linggo na yun nagawa namin na magsayaw ng maayos kahit may mga konting sablay kami at may nabuo din sa amin na sobrang astig na samahan na kahit sino hindi kayang pantayan dahil sa bawat araw na pag punta namin sa dance house o sa BRB man yan may mga kulitan,bonding, tawanan, asaran na nagaganap kapag water break at yung mga simpleng bagay na yun ang nagkumpleto sa mga araw ng bawat isa sa amin. Kasama din namin sa mga araw ng training namin ang BDC (Believe Dance Company) at sila ang mga naging inspirasyon ng bawat isa sa amin. Pagkatapos ng ILC na naganap nabuo namin ang pangalan na PDC (Production Dance Company) isa sa mga nagpapatunay na iba na ang samahan naming lahat hindi lang basta basta sayaw ang nagawa namin pati ang kakaibang bonding at samahan. Minahal namin ang isat isa sa amin. Pero kung hindi ako naging isa sa pamilya ng YFC hindi ko makikilala ang mga tao sa likod ng PDC at hindi ko mararanasan ang ganitong kasayang buhay.



Marami man akong pinagdadaanang problema sa pagdaan ng mga araw pero alam ko swerte parin ako kesa sa iba na halos ikamatay nila ang problema nila. Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung mga bagay bagay na ginagawa ko dati *sabi ko sa inyo hindi ako good girl eh* sobrang daming bagay ang ginawa ko at halos nag rebelde na ko madami akong kalokohan na ginawa noong nasa hayskul palang ako at dahil yun sa patong patong na problema ko pero ng dahil sa YFC ang dami kong nabago at natutunan. Ang daming nabago, nawala at dumating sa buhay ko simula noong nakilala ko ang YFC.



Isa narin na dumating sa buhay ko ang isa sa mga taong nagpapasaya ng araw ko ang GG (God's Gift or BF) ko na si STEVENSON BESORIO. Hindi ko akalain na makalipas ang isang taon at dahil takot na muli ako magmahal dahil sa ilang beses na kong nasaktan may makikilala pa ulit ako at magmamahal ulit ng isang tao *natigil ako magsulat 4:30am at ngaun 4:30pm/4:14:08 itutuloy ko na ang panibagong post ko*. Nakilala ko ang taong to ng dahil din sa YFC pero hindi galing sa PIYU main galing siya sa PIYU EAC. Meron din kasi akong kilalang mga YFC sa EAC at bagong sali palang sila sa YFC *heroe's baby* ng makilala ko sila, lima silang nagcamp and nagiisa lang siyang lalaki. Nuong una hindi ko siya pinapansin at ayun hanggang sa may nag reto saming dalawa at sabi para daw may ka date ako for valentines day. Hindi ko naman sineryoso yun pero hindi ko akalain na totoo pala yung sinabi nung taong nag reto samin. Bago pa sumapit ang araw ng mga PUSO palagi na kaming mag katext pero hindi kami ganun sa personal dahil nagkakahiyaan pa, parang hindi kami magkakilala pag nagkikita kami or isang simpleng ngiti lang ang ginagawa namin para sabihing HI. Pero pag katapos ng araw ng mga PUSO unti unti na kaming naging malapit sa isat-isa at lalo namin kinilala ang ugali ng bawat isa. Madami din kaming bagay na pinagkakasunduan na hindi namin inakala na magkakasundo kami. Habang tumatagal lalong nagiging malapit kami sa isat-isa at walang araw na hindi kami mag katext. March 3, 2008 pumunta siya sa bahay namin at dun sinabi kong mahal ko na din siya ng hindi ko alam kung pano at kelan nag umpisa pero we decided na hindi muna gawing official na kami until makapag paalam siya sa mga LEADERS ko dahil nga pareho kaming YFC at gusto ko galangin niya kung saan ako nag mulang pamilya sa YFC hindi man niya nagawa yun sa lahat pero nakakatuwa na sinubukan niya at sa ilang leaders ay nakausap niya. Sobrang galing lang kasi napatunayan na kaya yang gawin kung ano yung dapat. Para sakin ang GG ko ang bonus ni GOD for me and kung marami pang bagay ang darating sa buhay ko at marami pa kong makikilala masasabi ko na hindi lang ako swerte kundi ubod ng swerte dahil unti unti niyang ibinibigay lahat ng hinahanap ko dati pa.


Pagmamahal ng isang tunay na pamilya naramdaman ko simula ng naging isa akong YFC at alam ko at gagawin ko ang lahat para maging daan ako ng pamilya ko sa magandang pag sasamahan. Mahirap dahil hindi ako yung taong open sa lahat ng bagay sa pamilya ko pero alam ko kasama ko ang DIYOS ko para lutasin lahat at gawan lahat ng paraan upang maayos kung ano man ang kadalasang hindi pinagkakasunduan ng pamilya ko.


Sobrang daming kakaibang bagay ang nangyari sa akin simula ng naging isa ako sa YFC. Madami silang itinuro, ipinarealize, at ipinaramdam din nila sakin kung gano ako kahalaga dito sa mundo. Maraming beses ko ng ginawa ang hindi magagandang bagay sa sarili ko dahil na rin sa mga bagay bagay na hindi ko maintindihan nuon at ang akala ko sa sarili ko nuon ay napaka walng kwenta ko at hindi ako makapaghintay sa mga sagot sa mga tanong ko dati. Ngayon unti unti ng lumawak ang kaisipan ko at madami ng nagbago sa buhay ko dahil narin sa pagmamahal na ipinaramdam ng mga tao sa loob ng YFC.


REALIZATION:


May mga bagay at problema padin akong dinadala ngaun pero kahit madami pa ito at ng laki nasasabi ko nalang sa sarili ko hindi ko dapat dibdibin at una ko dapat gawin ay magdasal lang ng magdasal at sabihin sa GOD ko na salamat sa mga problema na pinagdadaanan ko dahil dito natututo akong maging malakas at tumayo sa sarili kong mga paa. Lahat naman ng bagay na ibinibigay at kinukuha niya may kapalit minsan hindi man natin nagugustuhan pero sa mga bagay na yun may mga paliwanag at kelangan lang nating maghintay sa takdang panahon o oras. Hindi naman lahat ng bagay na gusto natin ay agad nating makukuha. Matuto lang tayong magtiis at maghintay dahil lahat ng sagot sa mga tanong at mga paliwanag na gusto natin marining ay darating at darating kung maghihintay lang tayo.


(done 5:20pm/4:14:08)

My 20th Birthday..

Zodiac Sign...


I got my Zodiac from 123mycodes.com

Multiply