? ??????????????Loving Embrace? ????? ?? ???Rating: 5.0 (2 Ratings)??6 Grabs Today. 3153 Total Grabs. ????
??Preview?? | ??Get the Code?? ?? ?????Spacey Love? ????? ?? ???Rating: 4.6 (8 Ratings)??6 Grabs Today. 10676 Total Grabs. ??????Preview?? | ??Get the Code?? ?? ???????????? ????Easy BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS ?

Love takes time...

GOD know's what's best for us..
GOD know's who is the real person to be loved,,
GOD know's where to stop and to continue loving..
GOD has it's reason for giving us a person to love..
GOD gave us happiness when he brought us a person to love..
GOD gave us pain when he get back the person we love..

EVERYTHING HAS A REASON...

GOD know's everything..

and GOD is the only one that will give a pure love for us...

If this isn't love...

Emote pics..

7/09/2009

SINAG ng ARAW...

Isang dapit hapon nakasakay akoh sa pampublikong sasakyan (FX)..
Nagiisip ng kung anong gagawin at kung anong mangyayari sa araw na yun..

Bigla akong napatingin sa kalangitan, mainit, at masakit sa mata ang araw..

Isinuot ko ang salaming pangaraw (SHADES)..

Muli akong tumingin sa kalangitan at nasilayan ko unti unti ang SINAG NG ARAW..

Namangha ako sa kagandahan nito at nasabi ko sa isip ko "ganito pala kaganda ang sinag ng araw"..

Habang pinagmamasdan ko at nakatingala ako sa kalangitan isang madilim na ulap ang tumakip sa kagandahang aking tinitingnan.

Napasimangot ako at nagisip ulit "bakit naman ngayon pa tinakpan ng ulap na un ung araw kung kelan nagagandahan na ko"..

Agad ko nalang binaling ang mga mata ko sa kasagsagan ng daan pauwi.

Ngunit hindi ko parin matiis ang hindi tumingin sa langit dahil sa lubos akong nagandahan sa aking napagmasdan.

Unti unti ulit akong tumingin sa kalangitan ngunit nakatakip padin ang makapal at maitim na ulap sa SINAG NG ARAW.

Ilang sandali pa ang lumipas at unti unti ng nawawala ang ulap na iyon at habang ito ay gumagalaw at lumalayo sa araw lalo akong namangha sa aking nakita dahil ang ganda pala nito habang unti unting inilalabas ang sinag.

Naisip ko "kelan kaya ako makakakita ng paglubog ng araw?". .

Ilang sandali pa ang lumipas pababa na ako at habang naglalakad papunta sa aming bahay ang daming pumasok sa isip ko.

Nasabi ko sa sarili ko na ang swerte ko pala dahil may mata ako at nakikita ko ang hindi nakikita ng may mga kapansanan.

Nasabi ko din na bakit may mga taong hindi magbigyang pugay ang kalikasan gayong ito naman ay napakaganda.

Nakarating ako sa aming bahay habang nagiisip.

Humiga ako at pinagpatuloy ang pagiisip.

Habang nagiisip madaming bagay ang pumasok sa isip ko na hindi ko alam kung bakit ito ang mga bagay na naisip ko.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naisip ko na ang sinag ng araw kapag tiningnan mo ng biglaan o walang suot na salamin ay masakit sa mata at hindi ka makakatingin ng deretso ngunit kapag ikaw ay may suot na salamin makakatingin ka at konti lang ang sakit na idudulot nito sa mata mo.

Ikinumpara ko itong naisip ko na to sa buhay ng tao.

Sa buhay ng tao kung hindi mo iisipin ang gagawin mo at gagawin mo ito ng biglaan maari kang masaktan pero kung ito ay iisipin mo at maglalagay ka ng plano unti unti itong magiging maaus.

Katulad sa pagmamahal kung ikaw ay mgdedesisyon ng biglaan ikaw lang ang masasaktan pero kung ikaw ay magiisip kung ano ang dapat gawin hindi ka madaling masaktan.

Maraming bagay akong naisip at naikumpara sa bagay na naisip ko nung mga panahon na yun.

Naisip ko din, mali ba at padalos dalos ba ang naging desisyon ko sa buhay?

Kaya hanggang ngayon hindi ko maalis na masaktan.

Pero naisip ko din naman na kelangan kong masaktan para matuto sa mga bagay bagay na ginagwa ko.

Nung araw na naisip ko ang mga bagay na to nanghinayang ako, sa mga araw na nakasakit ako, sa mga araw na may nasaktan ako.

Marami na akong pagkukulang sa mga tao sa paligid ko dahil sa isang bagay na ginagawa ko ng hindi ko pinagiisipan.

Nasaktan ako sa bagay na yun ngunit alam ko na yung sakit na yun ay isa lamang panandalian at mawawala ng unti unti.

Madaming taong naghihintay sa pagbabalik ng dating ako, sa pagiging masayahin ko, sa pagiging makulit ko.

Isang madilim na ulap ang tumakip at humarang sa mga pangarap na dapat ay nakita ko na ngunit hinayaan ko yung ulap na yun na takpan ako at hindi iyon makita.

Ngunit ngayon unti unti ng umaalis ang maitim at makapal na ulap na yun sa aking sinag upang makita ko na ang mga pangarap ko.

Ngayon may isang ulap ang dumating na alam kong hindi ako tatakpan at hindi ako haharangan sa mga pangarap na gusto kong gawin, dahil itong ulap na ito ay alam kong isang maganda at kulay asul na ulap na lalong magpapaganda sa sinag at tutulong upang makalabas ako sa maitim na ulap.

Isang maitim na ulap man ang dumaan sa akin alam kong may natutunan at may nakita din naman akong mga bagay na hindi ko makikita kung wala iyon.

Alam kong pagkatapos ng isang ulap na iyon ay marami pang dadaan ngunit alam ko din na hindi dapat ako magpatalo sa kapal man o itim man ng ulap na dadaan sakin dahil alam ko na may gagabay sa sinag na hawak at daladala ko.

Ito ang mga bagay na naisip at nasabi ko nung nakita ko ang SINAG NG ARAW...

My 20th Birthday..

Zodiac Sign...


I got my Zodiac from 123mycodes.com

Multiply